Thursday, August 21, 2008

long weekend chuva


Napaka-productive ng long weekend for us.. sobrang dami naming na-accomplish! 

*August 16:
 - We went to Printed Matter to request for revision of our invites. As usual, nagkamali na naman ako ng spelling. haha! Kaunti lang naman, for the copies lang of Al's family since pamangkin nya yung mali ang spelling. Humabol pa nga kami kasi akala ko 4pm sila mag-close, yun pala 430pm. hahahahaha! Late na kasi ako nakapagprepare, as usual, nainis na naman si Al at napakabagal ko raw.
 - We visited the studio apartment for rent in Marikina na nai-recommend ng isang wawie. Nahirapan kaming hanapin kasi hindi kami familiar pareho sa place pero good thing, nahanap namin yung lugar!
                      (whew!) We were becoming impatient already 'coz we don't know where we are na, if we're lost or what, hahaha! The apartment was ok. Yun lang the room was very small (isa lang sya). sayang nga eh, kung nagkataon lang na malaki yun, baka kinuha na namin. Marami ring fruit-bearing trees sa lot nya. Yung sala talaga ang maganda kasi maluwag. I'm just bothered with the CR kasi medyo maliit at mas mababa ang level nya than the floor level of the apartment (parang basement), hehe..
 - SM North was our last stop. I had to return the splitter we bought kasi hindi naging effective sa TV namin. We also bought gift wrappers at National for the entourage gifts. Nag-grocery na rin kami kasi wala na kaming makain sa bahay. hahahahaha! :) I also had my purple bag repaired (yung zipper) kasi gagamitin ko sa isang wedding na pupuntahan namin ni Al.

*August 17:
 - Late na naman akong nakaligo. teehee! Mama, Al and I went first to Ms. Adora for our fitting. It was my first time to fit my bridal dress. Ang ganda nya! Ms. Adora used Italian satin at ang gaan ng damit ko. Mas mabigat pa yung petticoat sa ilalim, hehe.. The feeling was different. Masaya lang talaga ako at napakasimple nung damit pero bagay sa akin. It has to be adjusted lang kasi medyo maluwang sa likod, tsaka yung sa may bustline medyo liliitan (yeah i know, i'm not gifted, bwaha!) para mas maging swak sa frame ko. Yung kay mama, ok lang din. After that, we went to Mcdo at Quezon Ave.-EDSA (near MRT) to meet with Mang Rey Casedo, our barong supplier, from Lumban, Laguna. Naligaw pa nga sina Tito Andy and Tita Beth (my in-laws) kasi they went to the Mcdo branch along Quezon Ave., the one across National Bookstore and Mercury Drug. Ang agang dumating ni Mang Rey! I appreciated it that he was on time for our 1pm appointment. Dumating na rin si Jolo (my brother) kasi papatahian ko rin sya ng barong. He was in Guadalupe kasi that morning. We had our lunch there.

Maganda yung mga designs ng barong ni Mang Rey. For Al, we chose piña silk na chinese collar pero regular button. Yung design nya, terno sa bridal gown ko.  For Tito Andy, piña cocoon naman na ang ganda rin ng design. For Jolo, he chose the design of his piña jusi barong which I also liked. Mura na nga rin ang kuha namin sa mga barong ni Mang Rey. I also requested him to make a camiso for Jolo kasi hindi kasama sa price nya yung panloob.

Dumaan muna kami ng office kasi hindi pa naliligo si Al. hehehe.. dun na sya sa gym naligo. Then we went to Sacred Heart Novitiate in Novaliches after our Mcdo appointment. It's Visitation Sunday for the novices and matagal ko na ring hindi nadadalaw si Jason (my college friend) doon. We met his two sisters there. We also attended the mass, buti nga at umabot kami. Nakilala na rin namin si Fr. Ramon Bautista, SJ, our officiating priest sa wedding. Mabait sya. I like his aura. hehe.. very fatherly. :) hahahahah! We will visit him again on September 8. :)

We dropped by SM North uli on our way home 'coz I had to pay my cellphone and HSBC bills and I had to claim my purple bag na pina-repair ko sa Mr. Quickie. Joseph also dropped by na rin sa house to give us the edited copies of our DIY invites. :)

*August 18:
 - This time I woke up really early kasi 1st fitting ng entourage ko. We're supposed to meet at 8:30am at Mcdo-Quezon Ave cor EDSA (near MRT). Yeah, favorite place namin to meet, hehehe.. Accessible naman kasi sya to those who are coming from España and Ortigas. Pinauna ko na sina Al (with his family), Ate Lyn and Bel ng 830am kasi Bel had to be in the Podium by 10am. After two minutes, dumating na si Besprend Joyce. I had breakfast na lang muna tapos chika na lang muna kami while waiting for Al kasi ihatid nya uli si Bel sa may mrt after her fitting. Siguro mga 15mins lang, andun na uli sila sa Mcdo. I was happy with the gowns! Wala syang beading, idinaan lang sa style ng damit and I liked it. Ang galing ni Ms. Adora! My entou was also happy with their gowns. :) yehey! I just had to make a few adjustments sa length ng skirts ng secondary sponsors para maging mas sexy. :) Pinasukat ko uli sa kanila para makita ko. Pati sa MOH ko, my besprend Joyce, may ipina-adjust din ako. We missed Kat that time kasi she was in Singapore for a birthday vacation. :)

After the fitting, nagpunta muna kami sa Waltermart sa may Muñoz kasi dapat bibili ng tela si Tita Beth. Kaso walang shop ng tela doon. I had lunch at Al's house in Meycauayan (sarap!) then balik na kami sa Tandang Sora 'coz I had to prepare for Mike's wedding (officemate namin ni Al). I wore a purple and pink long dress that I borrowed from Atty. Mia. Ang galing nga kasi sakto sa akin yung sukat nung gown! hahaha! :) We were a bit late for the ceremony, 'di na nga kami nakapasok, maliit lang kasi yung chapel. Sa Archibishop's Palace sya in Villa San Miguel, Mandaluyong. Reception was held at The Blue Leaf, The Fort. Blessing in disguise na may kailangan kaming ihatid na damit sa brother ko in Guadalupe (they had a team building) kaya shortcut na lang kami going to The Fort. Maganda yung Blue Leaf! Medyo malayo nga lang ng kaunti sa main happening places ng Global City. VS&F ang caterer, sarap ng food! Maganda rin ang set-up ng place. Late na nga lang nag-start ang program (8pm) kaya medyo antok na kami when it ended. Kakaunti na nga lang ang bisita nung umuwi kami. We stayed for awhile at Starbucks bago kami umuwi. It was a tiring day, pero masaya. I liked Andrea's bridal pouch bag, haha! And also the design of a ninang's dress (which I recommended to Mama kasi she's thinking of changing her gown).

*August 19:
 - Rest day ko. I just wrapped the gifts for the entourage. Al tried printing our DIY invites on our chosen paper but sadly, it didn't work.. :( We just decided to give our invites from Printed Matter to the other guests. Makiki-share na lang daw si mama sa expenses. yehey! :)

*August 20:
 - pahabol: we bought a different style of paper at National Bookstore, Quezon Ave. and we tried printing our DIY invite and it worked in a way. :) we just decided to use the DIY invite for the courtesy invites then yung sa Printed Matter for the rest of the guests. whoopee! solved na problema namin. :)

Whew, haba na ng kuwento ko. :) hehehe..
Bow.




1 comment:

  1. naghahanap kayo ng place niyo after the wedding?

    ReplyDelete