Tuesday, September 14, 2010

Performance Evaluation of Production Team (Supplier Ratings) for the Movie "Ikaw Lang Ang Mamahalin" (Our Wedding)

SEPTEMBER 20, 2008, Saturday, 2:45 PM
*As rated by the Bigornia-Martinez Evaluation Board
**Photos courtesy of Al's family, Parkershot Photography, and my dear friend/lomographer Kat Constantino

A - Outstanding
B - Highly Satisfactory
C - Satisfactory
*with a plus (+) or minus (-) if necessary. hahaha! Parang ratings ito sa conduct nung grade school at high school ako ah. teehee!


1) Church - Our Lady of Consolation Parish
Contact Person: Ms. Earlie and Tita Shirley
Rating: B+



Napakaganda talaga ng simbahang ito. :) Ms. Earlie and Tita Shirley were very helpful and accommodating during the preps. The choir was also good. Magaling yung soprano nila who sang a duet with our friend, The Prayer ata yun, hehe. Nalungkot lang ako kasi pinagmamadali na kami sa pictorials kaya wala kaming picture with the maids of honor and best men. They said mahaba raw kasi ang homily ni Fr. Mon at overtime na kami. Sa akin naman, would 10 or 15 seconds matter eh yun na lang ang kulang. May kasunod kaming wedding that time kasi (4:30pm sila, kami 2:45pm). Sigh. Eh minsan ka lang ikakasal.. :(

2) Priest - Fr. Ramon Ma. L. Bautista, SJ
Rating: A+

We met Fr. Mon through my college friend, Jason, who's now a novice in the Society of Jesus. Napakabait ni Fr. Mon at gustong-gusto ko ang homily nya during the wedding mass. He said that for our relationship to last and to remain strong, we should always AFFIRM each other. Affirmation can be done by: 1) Communication, 2) Forgiveness, and 3) Gifting - giving gifts to each other, not necessarily material gifts. We're really happy that he officiated our wedding mass. :)

3) Reception - Bulwagang Recoletos (beside the Parish)
Contact Person: Sir William or Sir Rod
Rating: A



I love the "old-feel" of the venue! Ang ganda rin ng halls kapag naayusan na. Iba rin ang dating ng lugar sa gabi, with all the lights. Wala ring kahirap-hirap sa pag-reserve ng venue at sa pakikipag-usap sa mga guards on duty na sina Sir William at Sir Rod. They handle reservations for Recoletos, in coordination with the head priest, and they are very accommodating and patient with our inquiries.



4) Catering - Eloquente Catering (Anthurium Package)
AE: Bheng Ignacio
Rating: B+




Okay na kausap si Ms. Bheng. Napakabait pa. :) Food was superb sabi ng mga guests. Hindi kasi kami masyadong nakakain ni Al, not because we were so excited and everything, pero dahil ang dami naming ginagawa (picture here, picture there, chika here, chika there, ganyan) at sunod-sunod na ang parts ng program which required our participation. sayang nga eh, hahaha! I just noticed that there were last minute changes with the layout that we originally agreed upon ni Ms. Bheng. I assumed that Kuya Loi (our coordinator) discussed this with Ms. Bheng kaya siguro naiba. They've informed me ahead naman na if they're not satisfied with the layout, they will be adjusting it.

Sayang lang kasi bumigay daw yung chocolate fountain. parang nagkaproblema with the socket or something kaya hindi na sya "fountain". Anyhow, nag-enjoy pa rin naman daw ang mga guests, especially the kids. The waiters also did a good job. They attended to the needs of our guests. Nagkaroon lang ng problem sa cake kasi may nabigyan ata na hindi part ng immediate family namin. Al wanted sana na before the head waiter gives out the cake or extra food, magsabi muna sa amin. Hindi tuloy nabigyan ng cake yung family ni Al, but we shared our part of the cake na lang to them. Satellite cake kasi yun, 3 pcs, one cake was for us lang ni Al, yun na lang ang ibinahagi namin sa family nya. Until now hindi namin alam kung sino yung nabigyan ng cake. hehehe... :) May nagcomment din na the fish (grilled blue marlin) was not that fresh though on-the-spot cooking ito. Di ko naman napansin kasi ito ang favorite ko. haha!

5) Photo/Video and Projector Screen- Parkershot Photography led by JR Sebastian
Rating: A+


Sabi ko nga kay JR, sila ang isang elemento ng aming kasal na talagang mahal na mahal namin ni Al. They did an excellent job! They were the second one to arrive at our house (sa house lang kasi ang preps ko) at nagtrabaho na rin kaagad after a few minutes of rest. Supposedly 11am pa raw sila darating eh 930am pa lang nasa bahay na sila. haha! Sabi ko nga kay JR, kala mo siguro liblib lugar namin no? Hehehe... Takot daw kasi sila baka ma-traffic. Natuwa ako kasi yung 2nd team nya who documented Al's preps also came to our house para magpicture. Kaya napakarami kong pictures! At wala kaming pakialam kung anong pose ang ipagawa nila sa amin dahil gusto naming maayos at maganda ang wedding album namin. :) Maayos din ang projector screen that they provided. They were also the last one to leave the reception venue. Naghabol pa kami ng ilang night shots kasi. Ang kulit din nila talaga! JR was always joking around kasi ayaw daw nya na scripted ang ngiti ko. Eh minsan inaasar na nya ako, nag-aasaran na lang kami. hehehe.. Ang galing din ng prenup AVP and onsite video na ginawa nila! Sobrang bilib kami ni Al.. :) Naenjoy at nagustuhan ng mga guests yung prenup AVP and onsite video. Basta masaya kami at sila ang photo/video namin. Ayos sa budget at exceptional ang performance at output. :)

6) Bridal Gown/Mom's Gowns/Entourage Gowns - Adora's Creations
(including second veil, cord, blue garter)
Rating: A






I love my bridal gown! Napakasimple pero rock. :) Ayoko kasi ng maraming beads dahil alam ko bibigat yung damit kaya simple lang ang design na pinili ko, tutal keri ko naman. hahaha! Diyosa talaga ako on my wedding day. :) Nagustuhan ko rin ang gowns ng mga mommies and entourage. Pulido ang gawa nila. I admire Ms. Adora for her patience kasi napakakulit namin pagdating sa mga adjustments and appointments sa fitting. Up to the last detail talagang sinasabi namin sa kanya. Siya ang third supplier to arrive at our house. Tinulungan din nya akong isuot ang aking bridal gown. :) Mabait talaga sya at mukhang "maasikasong mommy" ang aura nya kaya palagay talaga ang loob namin sa kanya. Most of the gowns were finished by 2nd week of September kaya wala kaming naging problema. Yung mga in-adjust na lang ang inihabol namin the week of our wedding.

7) Barong (Groom, Father of Groom, Brother of Bride-Veil Sponsor) - Mang Rey Casedo
Rating: A


Trusted supplier na itong si Mang Rey sa W@W kaya wala rin kaming naging problema sa kanya. Mabilis ang trabaho at pulido ang gawa. I chose a simple design also for Al para magkapartner ang design ng aming suot. :) Maganda rin ang barong ng aking father-in-law lalo na yung barong ng brother ko, bagay na bagay sa kanya. :)

8) Souvenir - All-you-want Photo Magnets by Konsepto
Contact Person: Ms. Rachelle and Ms. Audrey
Rating: A






Madaling kausap sina Ms. Audrey at Ms. Rachelle. They accommodate requests and give you feedback kaagad. They also did a good job during our reception. Napansin ko nga na medyo mahaba nga pala ang pila kapag may photobooth, hehe.. Pero ayos na rin, enjoy naman ang mga guests. :) Even after the reception program, nagpakuha pa kami sa booth. Mabait naman sina Ms. Audrey, pinagbigyan na rin kami kahit overtime ng ilang minutes yung photobooth. May nag-feedback lang na nagcomment daw yung isang technician sa cousin ko na "Yung iba naman" kasi I think they had two or three sessions na magkasunod sa booth para puwedeng makakuha ng 2 magnets na magkaiba. One good thing that Konsepto did though, they allowed na magprint na ng 2 copies in one session. Dati kasi hindi yata ganun ang ginagawa nila. To save time na rin kesa ilang sessions nga ng pictorial just to get extra copies of the magnet with different poses or to get copies for each member in a group pictorial.

9) Florist (bridal bouquet, entourage bouquet, car bouquet, offertory basket) - Flowers of May
Contact Person: Ms. Tess and Ms. Evelyn
Rating: A




Ang ganda ng bridal bouquet ko (red tulips and red Holland roses) and the entourage bouquets! Lively ang color at talagang fresh ang flowers. Medyo mabigat nga lang ang bouquet ko, hahaha! Ms. Tess was the 4th supplier to arrive at our house. On time din sya, she said she'll deliver the flowers at 1030am and she was there ng 1030am. :) Madali rin silang kausap ni Ms. Evelyn. Natuwa rin ako that Ms. Tess provided 12 boutonnieres na para hindi lang groom and principal sponsors ang meron kundi buong entourage na. :) Sweet! Napansin ko lang na ang tulips pala talaga medyo madaling mag-wilt kasi nung evening, may parts na ng petals na lanta na. Siguro dahil nainitan na nga. Pero ayos lang. Iniikot ko lang yung bouquet para hindi makunan sa picture yung part na medyo nalanta na. hehehehe.. :)

10) Lights/Sound System - c/o Eloquente Catering
Contact Person: Gerald
Rating: B+

Simple lang naman ang audio requirements namin at na-provide naman yun nina Sir Gerald. Konti lang din ang background music na nirequest ko (I just provided the CD) at nai-play naman lahat ng 'yon. Ang napansin ko lang, medyo mabagal ang pag-adjust nila ng mic volume kapag hindi naririnig yung nagsasalita sa mic. During the part of the program na magsasabi ng messages ang family and friends, medyo mahina yung mic, hindi nila kaagad na-adjust, kaya hindi narinig ng ibang guests yung message. Kami lang ni Al ang nakarinig, hehehe.. Ayun lang naman ang napansin ko. :)

11) Cake - Gervy's Amazing Cakes
Rating: A+




Ang sarap-sarap talaga ng cake na gawa ni Ms. Gervy! And it's her first time to do a movie-themed cake at nagustuhan ko ang concept na ginawa nya sa aming wedding cake. Satellite cake ang pinili namin, so 3pcs yun and yung 3 yun eh iba-iba ang flavor. sarap! She was also very kind and accommodating sa amin ni Al. I requested her also to make one mini-cake for my brother kasi ayaw nya na wine ang ibigay ko sa kanya as gift dahil veil sponsor nga sya. Nagustuhan din naman ng brother ko yung mini-cake. :)

12) Make-up Artist - Vicky Sta. Ines (resident make-up artist of our company choir)
Rating: A+





She's the first to arrive at our house. Magaling talaga si Vicky dahil lalo akong naging diyosa on my wedding day. hehehehe.. She also did the make up of my mom, 2 ninangs, and some of my entourage. May 2 syang assistant na kasama. I liked the curls of my entourage, ang galing! Ang gaganda talaga namin that day. :) Ang naging mali lang namin ni Al, siya rin ang nag-makeup sa mom and mga sisters ni Al na abay eh magkaiba kami ng preps venue, about 20mins din ang travel from our house kaya medyo nagahol sa oras yung make-up ng party ng groom. Oh well. :) hindi namin na-anticipate yun, hehehehe..

13) Wedding Ring - Tony Berboso (Mama's alahero)
Rating: A+


I love our wedding rings! It's a simple two-toned band. Wedding gift ito ng Mama ko sa amin ni Al. July pa lang yata o August, nasa amin na yung singsing. Trusted alahero na ng Mama ko itong si Mang Tony kaya magandang klase talaga ang aming rings. Mabigat din sya kaya alam mong hindi ka lugi. Affordable din ang price, s'yempre. :) Mang Tony has partners in Meycauayan, Bulacan kaya ok talaga yung ring.

14) Invites - Printed Matter (San Juan Branch)
Artist: Ms. Candy
Contact Person: Ms. Ruth
Rating: A



I love our invites, shempre! :) Madaling kausap sina Ms. Candy at Ms. Ruth. Ms. Candy was very patient and accommodating with us sa mga revision requests namin sa invite design. Ang naging lapses lang ng Printed Matter, the first time we ordered, nagkamali ang production sa naiprint na clapper envelopes kasi ang nasunod nilang design eh yung mock-up na SEPT. ang nakalagay instead of SEPTEMBER so we had to go back to claim our order of clapper envelopes. The second time naman na we ordered invites, nakalimutan sa production yung stickers so we had to wait about 15-20 minutes dahil ipinadala ng production sa San Juan branch yung stickers. But despite that, I still gave them a high grade because they admitted their mistakes and took immediate steps to correct them. :)

15) Bridal Car - kotse namin, Silver Mitsubishi Lancer GLI (in a shot of multiple exposures)
Rating: A+ (hahaha!)
S'yempre love ko ang kotse namin. Pina-carwash pa ito ng Mama ko para magandang tingnan sa pictures. hahahaha! Natakot lang ako when we were on our way to church kasi parang kakarag-karag sya, may problem yata sa shifting ng gears. My brother, Jolo, was my driver, who's also the veil sponsor. O di ba, alila! hehehehe.. Naiisip ko na nga na pag bumigay ang kotse, lilipat ako sa ibang cars na kasunod namin kasi convoy kami (mga 5 vehicles kaming sunod-sunod that time) or sasakay ako ng jeep para lang hindi masayang ang oras. hahahahah! Awa ng Diyos nakarating naman kami nang maayos. The church is just 10 minutes away from our house kaya hindi na rin ako masyadong nag-worry dahil maaga naman kaming nakaalis ng bahay.

16) On-the-Day Coordinator/Host - Loi Villarama and His Angels
Rating: A



They were the fifth supplier to arrive at our house. 11am pala ang call time nila and they were on time naman. Nagtrabaho na sila kaagad sa amin pagdating nila. Si Ms. Grace muna ang nag-asikaso sa akin habang nag-memakeup at nagpipicture with the wedding materials. Tapos nung nagbihis na ako ng bridal gown, si Ms. Jen na ang naging caregiver ko. hahahaha! Kasi naman, nakabihis na nga ako, mga 3 beses pa yata akong nawiwi kasi talagang kumain ako ng lunch at uminom ng maraming tubig. hahahaha! Hay, malaki talaga ang pasasalamat ko at kumuha ako ng coordinator. :) Si Ms. Grace uli ang sumama sa akin habang naghihintay ako sa church door before the bridal march tapos nung post-nup pictorial, siya ang nag-aayos ng veil at train ko. Si Kuya Loi din ang umawit ng bridal march ko, yung "Ikaw Ang Aking Pangarap" by Martin Nievera at nagustuhan ko ang pagkanta nya. Malinaw na malinaw sa akin yung kanta kaya timing talaga ang pagmarch ko. :)

Kuya Loi was also our host and he was joined by Tyrone later in the reception program. Silang dalawa kasi yung powerhouse emcees nung Bb. TransCo 2006 pageant na sponsored ng aming department sa TransCo (where I work). That's where I met Al, hehe, kaya wish talaga namin na sila rin ang maghost ng aming reception. They did an excellent job! Masaya at tumatawa lahat kasi likas silang mga komedyante. S'yempre formal pa rin but with a comedic touch kumbaga. Ayaw ko naman kasi ng masyadong formal ang reception program.

I just noticed that there were some parts of the program na naiba pero okay lang sa akin kasi maganda naman ang kinalabasan. I trust Kuya Loi and they delivered well. :) Kay Al naman, si Kuya Joseph ang nag-asikaso at talagang sinamahan nya at inalalayan si Al. Nagpapanic na kasi siya dahil medyo late na nga nakapunta si Vicky (make-up artist) sa kanila. Natatawa na nga lang ako kasi akong bride eh hindi natataranta, yung groom ang natataranta. hehehe..

17) Choreographer - Julius Ryan Batoon
Rating: A+


Love na love namin si Kuya Julius! Sobrang bait! We met him through Ms. Arlene, Al's officemate. He choreographed HR's performance during our company's Anniversary Variety Show Contest. I was losing hope then kasi yung una kong contact na choreo, ang hirap kausap. Naghanap kasi ako last week of August na eh I'm really determined to find one kasi gusto ko talaga na may surprise dance number kami ni Al. Buti naalala kong tanungin si Ms. Arlene tungkol dun sa choreo nila. Kuya Julius is very patient and accommodating. We only had three practice sessions at nakuha namin kaagad ni Al yung sayaw. Siya na rin ang nag-edit nung music. Gusto ko rin yung concept na ginawa nya kasi nilagyan nya ng drama yung performance. May moment kami ni Al na magkasama, then solo kami, tapos magkasama uli. Mix of swing and hip-hop ang sayaw namin tapos deretso na sa money dance yung last part. We began with Can't Take My Eyes Off You (swing) tapos Crazy in Love (solo ko) then Sexy Back (solo ni Al) tapos Way I Are (hiphop na kaming dalawa uli) then Sabihin Mo Na by Top Suzara for the money dance (theme song namin ni Al ito kasi uso ang My Girl koreanovela nung time na naging kami, hehehe..). Gusto ko kasi yung challenge na sumasayaw kahit naka-bridal gown at barong yung couple. :) Natuwa ang mga guests namin, especially Al's family, dahil hindi pa nila nakikita si Al na sumayaw ng ganoon. :) Masaya talaga kami ni Al at succesful ang aming first dance kahit na may mga mali, hehehe.. :)

18) Bridal Shoes - Milani, Groom's Shoes - W. Brown, Groom's Pants - Arrow
Rating: A



Got my shoes at Milani at a very affordable price dahil nga nabili namin sya nung SM North 3-day Sale. Comfortable naman sya. Yung pants ni Al, ang ganda at napakalambot. His shoes was a last minute decision kasi ayaw ko na sanang bumili dahil ok pa naman yung old shoes nya pero naawa na rin ako kasi halos lahat ng isusuot ko bago kaya bumili na rin kami ng shoes nya, hehe.. :)

19) DIY Invite designed by Joseph Manto, my bro's friend (for courtesy invites), DIY Misalette, Arrhae, Matches, Bible
Rating: A+ (shempre!)








I just printed the misalette in the office and then we photocopied it (around 50pcs) tapos nilagyan lang namin ng red ribbon to hold the pages together. I used regular A4 size bond paper lang tapos black ink. For the courtesy invites, we bought papers from National Bookstore - yellow parchment board (around 200 or 210gsm ata ito) for the invite then white board (240gsm) for the map. Nilagyan lang din namin ng red ribbon to hold the pages together. The invite design was done by Joseph, my brother's friend, who works for Penshoppe as a designer. Ang galing nga ng ginawa nyang design! Mahal lang kasi kahit ipa-print namin sa Recto, so we just printed it using our HP colored printer. The arrhae was made in Malolos, Bulacan, a gift from Al's mom, and she used the old piso coin (1972), the big ones, and had them gold plated na lang. Ayos nga eh para malaki raw ang suwerte, hehehehe.. :) For the matches, I just covered the box with gold paper and wrote our names on it using red ballpen. Nilagyan ko na lang din ng red ribbon sa gilid as accent. Our bible was bought in St. Paul's. Nakalimutan pa nga i-bless during the wedding rites pero oks na rin kasi it was placed alongside our rings nung wedding mass kaya parang na-bless na rin. :)

It was a very succesful movie premiere and I hope magkaroon pa kami ng future movie projects ni Al. Salamat sa aming mga fans! hahahahaha!

Thank you again, Lord, for all your blessings. It was indeed a fun and happy wedding.. :)

No comments:

Post a Comment