Friday, October 03, 2008

Wedding Kuwento

Na-miss ko ang pag-blog! Hehe.. Our wedding was a success. We were blessed with a good weather, thank you talaga kay Lord at hindi umulan kahit na maulan that week. Maraming realizations, may occasional glitches pero masaya pa rin sya. Ang naging mahalaga sa akin, I felt the sincerity of the event. The mass was very solemn, the reception was fun. Sometimes, you want your wedding to be so grand and nice and everything, pero in the end, it's still a celebration of a couple's special union with the Lord. Masaya ako na tamang blend lang ng "must-haves" and "nice-to-haves" ang aming wedding. Minsan kasi, baka nakakalimot na rin ang mga brides, that we tend to include all the elements that we want in our wedding, nasasapawan na yung tunay na ipinagdiriwang sa araw na iyon. Just like Christmas, where people sometimes forget the reason for the occasion, hehehe.. :)

Ang hindi ko lang talaga makakalimutan, when Fr. Mon Bautista, SJ blessed our rings tapos isusuot na namin sa isa't isa, Al and I got our OWN wedding rings. Kaya naman nung isinusuot na ni Al sa akin yung ring, sabi ko, bakit maluwag? Naku baligtad! hahahahahaha! nagpalitan na lang kami kaagad. Buti nga hindi narinig sa mic yung sinabi ko, hehe.. I'm not sure if our priest and our parents/sponsors noticed it kasi when I asked them, wala naman daw silang napansin. hahahah! Tsaka si Fr. Mon, nakalimutan din yung "You may kiss the bride." Bakit nga ba nagiging common instance na yun? Wahehe.. I was always smiling during the wedding din pala. Hindi ako naiyak, si Al ang umiyak. Hehehe.. At narinig ko nang malinaw ang aking bridal march song kaya timing ang paglakad ko. Ewan ko ba, I felt so relaxed and happy. And napansin nga ni JR Sebastian (of Parkershot) during preps na hindi raw ako nagpapanic. He asked me tuloy kung bride ba talaga ako. Hehe.. Also, kahit nung wedding mass and reception, I was checking (making mental notes) kung nasusunod ba yung mga napagkasunduan with the suppliers, ganyan. Haha! Maganda talaga if you prepare early for the wedding.

We also had a one-of-a-kind adventure in our Singapore and Kuala Lumpur Honeymoon last week. We left last September 22, 2008 aboard Cebu-Pacific and yes, delayed ang flight to SG for an hour and 20minutes pero oks na rin. Importante sa akin nakaalis kami. Pero naghysterical ako sa cab going to NAIA 3 that time kasi si mamang driver na nasakyan namin eh hindi alam kung paano pumunta sa NAIA3!!! I was instructed by our office's driver to go to the Magallanes Lane papuntang SLEX kaso sa Pasay napunta ang driver. Eh almost 7pm na yun, 820pm ang flight. Thank God umabot pa rin kami! At delayed sya. hahahahha! We got back last September 29, 2008 aboard Malaysia Airlines naman. :) Successful din ang ginawa naming DIY itinerary. :)

Masaya ang buhay may-asawa.. :) But I know there will be bigger responsibilities ahead.. Hopefully the Lord will continually bless us and guide us on our journey.. :)

To view some of the "official" pictures, please visit: http://parkershotphotography.com/blog/

6 comments:

  1. Aww..Mapi. I'll be following in your footsteps soon. Ang funny na mabasa ko ang post na ito considering that just barely an hour ago, I bought two Metro Wedding magazines with directories of suppliers, etc. Yeah. It's the solemnity of the event that mostly matters.

    ReplyDelete
  2. wow, best wishes, dear precious! :)
    parang kelan lang na nagkakagulo tayo sa mga recits and law school thingies. hehe..
    enjoy your preps ha? mwah..

    ReplyDelete
  3. thanks mapi! imagine, things would have taken a diff turn if we're still in law school. hehe.

    ReplyDelete
  4. Waw,gaganda ng pix niyo sis! congrats!:D

    ReplyDelete
  5. congrats mapi! late ko na nalaman!!! hehe. :p

    ReplyDelete